Ang Po at ang Opo


ni Rosalina Sebastian

Ang bilin sa akin ng ina’t ama ko

Maging magalangin mamumupo ako

‘Pag kinakausap ng matandang tao

Sa lahat ng lugar sa lahat ng dako.

“Pag ang kausap ko’y matanda sa akin

Na dapat igalang at dapat pupuin

Natutuwa ako na bigkas-bigkasin

Ang “po” at ang “opo” ng buong paggiliw.