Ancient Filipino Riddles about Animals

Tuesday, October 2nd, 2012

1. Ania iti pinarsua iti Dios a balin suec a maturog? (Iloc.) Panniqui What thing that God made sleeps with its head down? Bat 2. Pantas ca man, at marunong bumasa at sumulat, aling ibon dito sa mundo ang lumilipad ay sumususo ang anak? (Tag.) Kabag

PANULAT

Saturday, September 29th, 2012

ni Benigno R. Ramos 1930 Kung ikaw, Panulat, ay di magagamit kundi sa paghamak sa Bayang may hapis, manong mabakli ka’t ang taglay mong tulis ay bulagin ako’t sugatan ang dibdib. Kung dahil sa iyo’y aking tutulungan ang nagsisilait sa dangal ng Bayan, manong mawala ka sa kinalalagyan, at nang di na kita magawang pumaslang!…

PAKPAK

Friday, September 28th, 2012

ni Jose Corazon de Jesus 1928 Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa at ako’y lilipad hanggang kay Bathala… Maiisipan ko’y mga malikmatang sukat ikalugod ng tao sa lupa; malikikha ko rin ang mga hiwaga, sa buhay ng tao’y magiging biyaya. Ano ba ang sagwang sabay sa pagtahak kundi siyang pakpak ng bangka sa dagat? [...]

PAG-IBIG

Thursday, September 27th, 2012

ni Jose Corazon de Jesus 1926 Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha! Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata; Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata; Tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa. Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso! Pag pinuso, nasa-isip, kaya’t hindi mo makuro. Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo’y naglalaho; [...]

KAHIT SAAN

Sunday, September 23rd, 2012

ni José Corazón de Jesús Kung sa mga daang nilalakaran mo, may puting bulaklak ang nagyukong damo na nang dumaan ka ay biglang tumungo tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . . Irog, iya’y ako! Kung may isang ibong tuwing takipsilim, nilalapitan ka at titingin-tingin, kung sa iyong silid masok na magiliw at ika’y awitan sa [...]

MGA TANAGA

Saturday, July 14th, 2012

(The Tanaga is a type of Filipino poem, consisting of four lines with seven syllables each with the same rhyme at the end of each line — that is to say a 7-7-7-7 Syllabic verse, with an AABB rhyme scheme) “Catitibay ca tolos sacaling datnang agos! aco’I momonting lomot sa iyo,I popolopot.”

Napagawi Ako sa Mababang Paaralan

Tuesday, July 3rd, 2012

ni Lamberto E. Antonio Napagawi ako sa mababang paaralan Na dating karnabal ng kambing, baboy at kalabaw, At dating kubeta ng ilang kababaryo Pag bakasyon grande o Sabado’t Linggo. Di na ito ang ilang tiwangwang na kuwartong may tapal Na sawali’t atip na kugong butas-butas, na ang klaseng Nagdidiskas ng Pepe en Pilar at gudmaners [...]

Sa Aking Mga Kababata

Sunday, November 22nd, 2009

ni José Rizal Kapagka ang baya’y sadyang umiibig Sa kanyang salitang kaloob ng langit, Sanglang kalayaan nasa ring masapit Katulad ng ibong nasa himpapawid. Pagka’t ang salita’y isang kahatulan Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian, At ang isang tao’y katulad, kabagay Ng alin mang likha noong kalayaan.