“Ampalaya (Ang Filipinas 50 Taon Makatapos ng Bagong Milenyo)” ni Reuel Molina Aguila

Friday, October 12th, 2012

Sipi mula sa “Ampalaya (Ang Filipinas 50 Taon Makatapos ng Bagong Milenyo)” ni Reuel Molina Aguila Upang basahin ang kapalaran ng mga bayan, kailangang buklatin ang aklat ng kaniyang kahapon. At dahil diyan ay inuulit namin at uulitin kailanman, na, samantalang may panahon ay lalong mabuting pangunahan ang mga hangarin ng isang bayan kaysa pahinuhod; [...]

Ancient Filipino Riddles about Animals

Tuesday, October 2nd, 2012

1. Ania iti pinarsua iti Dios a balin suec a maturog? (Iloc.) Panniqui What thing that God made sleeps with its head down? Bat 2. Pantas ca man, at marunong bumasa at sumulat, aling ibon dito sa mundo ang lumilipad ay sumususo ang anak? (Tag.) Kabag

PANULAT

Saturday, September 29th, 2012

ni Benigno R. Ramos 1930 Kung ikaw, Panulat, ay di magagamit kundi sa paghamak sa Bayang may hapis, manong mabakli ka’t ang taglay mong tulis ay bulagin ako’t sugatan ang dibdib. Kung dahil sa iyo’y aking tutulungan ang nagsisilait sa dangal ng Bayan, manong mawala ka sa kinalalagyan, at nang di na kita magawang pumaslang!…

PAKPAK

Friday, September 28th, 2012

ni Jose Corazon de Jesus 1928 Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa at ako’y lilipad hanggang kay Bathala… Maiisipan ko’y mga malikmatang sukat ikalugod ng tao sa lupa; malikikha ko rin ang mga hiwaga, sa buhay ng tao’y magiging biyaya. Ano ba ang sagwang sabay sa pagtahak kundi siyang pakpak ng bangka sa dagat? [...]

PAG-IBIG

Thursday, September 27th, 2012

ni Jose Corazon de Jesus 1926 Isang aklat na maputi, ang isinulat: Luha! Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata; Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata; Tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa. Ang Pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa-puso! Pag pinuso, nasa-isip, kaya’t hindi mo makuro. Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo’y naglalaho; [...]

BAYAN KO

Wednesday, September 26th, 2012

Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang palad Nag-alay ng ganda’t dilag.

KAHIT SAAN

Sunday, September 23rd, 2012

ni José Corazón de Jesús Kung sa mga daang nilalakaran mo, may puting bulaklak ang nagyukong damo na nang dumaan ka ay biglang tumungo tila nahihiyang tumunghay sa iyo. . . Irog, iya’y ako! Kung may isang ibong tuwing takipsilim, nilalapitan ka at titingin-tingin, kung sa iyong silid masok na magiliw at ika’y awitan sa [...]

Man Upon the Cross by Conrado V Pedrocha

Thursday, September 20th, 2012

Upon the cross against the hills of the night They nailed the man, and while they speared his breast they made him drink the bile. He bore the pains alone, alone But in the hallowed darkness saw Sweet Mary’s face upturned in grief below.

Hari ng Tondo Lyrics at Upuan Lyrics

Saturday, September 1st, 2012

HARI NG TONDO GLOC-9 kahit sa patalim kumapit isang tuka isang kahig ang mga kamay na bahid ng galit kasama sa buhay na minana isang maling akala na ang taliwas kung minsan ay tama ang hari ng tondo hari ng tondo baka mabansagan ka na hari ng tondo hari ng tondo hari ng tondo ohhh [...]

NAPAGAWI AKO SA MABABANG PAARALAN

Sunday, July 29th, 2012

Lamberto E. Antonio Napagawi ako sa mababang paaralan Na dating karnabal ng kambing, baboy at kalabaw, At dating kubeta ng ilang kababaryo Pag bakasyon grande o Sabado’t Linggo. Di na ito ang ilang tiwangwang na kuwartong may tapal Na sawali’t atip na kugong butas-butas, na ang klaseng Nagdidiskas ng Pepe en Pilar at gudmaners