Pananaliksik or Research

Ano ang kahulugan ng pananaliksik?

Ang pananaliksik ay ang proseso ng pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay ng mga panukala (teoriya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon. Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig mapag-alaman pa ng mga mamamayan.

Bukod sa pagbibigay tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng pananaliksik ang makahanap ng solusyon sa isang problema o suliranin. Karaniwang naghahanap ang isang mananaliksik ng mga kaalaman mula sa mga aklatan upang malaman kung ano ang mga napag-alaman hinggil sa isang bagay, kabilang ang mga maaaring nakalimutan nang kaalaman. Maaaring naghahanap-buhay ang isang tagapagsaliksik o tagasaliksik sa isang klinika, laboratoryo, o kaya isang planetaryo. May mga mananaliksik na naghuhukay ng lupa para mapag-aralan ang mga guho ng mga sinaunang mga kabihasnan o magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga hubog ng mga bato. Maaari rin siyang maglakbay sa kalawakan para pag-aralan ang sanlibutan.

Mga pangunahing uri

Kabilang sa mga pangunahing uri o gawi sa pananaliksik ang payak at nilapat na pananaliksik:[3]

Basiko o payak na pananaliksik
Tinatawag din itong puro o pundamental na pananaliksik na isinasagawa sa mga laboratoryo o klinikang pang-eksperimento.

Nilapat na pananaliksik

Ito ang paglalapat ng mga kaalaman sa mga gawaing pampananaliksik, o paggamit ng mga kaalaman sa pananaliksik na magagamit para sa pagpapaunlad ng lipunan. Kabilang dito ang mga protokol (protokolo) o mga sinusunod at tinutupad na paraan sa mga pananaliksik na klinikal.
Iba pang mga uri[baguhin | baguhin ang batayan]
Kasama rin sa mga uri ng pananaliksik ang mga pang-akademya, pang-agham, pampamilihan, pang-edukasyon, pangkasaysayan, pangwika, at may pag-uugnayan ng mga disiplina:[3]

Pang-akademya

Iba ito sa pananaliksik na pangedukasyon sa ibaba sapagkat isinasagawa ito ng mga mag-aaral, hindi sila ang pinag-aaralan ng mananaliksik. Nagsasaliksik ang mga estudyante upang makapagsulat ng mga takdang-aralin, sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming bilang ng mga aklat hinggil sa isang paksa, at nagtatala sila sa kanilang mga talaan. Ginagamit din ang gawing ito ng mga manunulat ng mga hindi kathang-isip na mga manuskrito o akda, upang maging tama ang kanilang mga impormasyong ginagamit sa pagsusulat.
Pang-agham

Tinatawag din itong pamamaraang pang-agham o pamamaraang siyentipiko. Isang pangkaraniwang gawi sa pagsasaliksik ang makaagham na metodo. Ginagamit ang pananaliksik upang mapainam ang mga pagkaunawasa mga larangan ng biyolohiya, inhinyeriya, pisika, kimika, at iba pa. Dahil sa pang-agham na gawi ng pagsasaliksik, maaaring maisakatuparan ang pagkakatuklas ng mga bagong gamot na panglunas ng mga karamdaman, ang paglalang ng mga mas hindi-mapanganib na mga sasakyan, at kung paano makapag-aani ng mas maraming mga pagkain sa mga bukirin. Nagmumula sa mga pamahalaan, mga pribadong korporasyon, at mula sa nagbibigay-kusang mga samahan ang suportang pampananalapi sa ganitong uri ng mga pananaliksik.

Pampamilihan

Isa itong sangay sa larangan ng sikolohiya sapagkat pinag-aaralan at sinusuri sa pananaliksik na pangmerkado o pangmarket ang kung ano ang mga bagay na binibili ng mga tao at kung paano sila naglilibang pagkatapos ng kanilang mga trabaho.

Pang-edukasyon
May kaugnayan sa pagsusuri kung paano natututo ang mga tao sa ganitong uri ng pananaliksik, partikular na sa mga paaralan.

Pangkasaysayan

Sinusuri rito ang lahat ng uri ng mga dokumentong katulad ng mga personal na talaan, mga liham, mga batas, mga resibo, mga sertipiko ng pagpapatibay, mga pahayagan, mga magasin, mga aklat, at mga kasangkapang tulad ng mga alahas, mga aparato, at mga kagamitang pantahanan. Ginagamit ito ng mga arkeologo.

Pangwika

Tinatawag din itong pananaliksik na lingguwistiko sapagkat pinag-aaralan ang kung paano ginagamit ng mga tao ang sinasalitang wika, ang mga tunog sa wikang sinusuri, at maging ang pag-iimbistiga ng gawi sa pamumuhay ng mga mamamayang nasa isang pook.

Sa mga disiplina

May isinasagawa ding mga pananaliksik na nagkakaugnayan ang iba’t ibang larangan ng mga kaalaman. Kasama sa pangmakadisiplinang pananaliksik ang multidisiplinaryo, interdisiplinaryo, at transdisiplinaryo. Sa antas na pang-multidisiplinaryo o maramihang mga larangan, isinasagawa ang pagsusuri mula sa iba’t ibang mga anggulo, at ginagamitan ng sari-saring mga pananaw ng mga larangan, ngunit hindi nagkakaroon ng pagsasanib. Sa interdisiplinaryo o sa pagitan ng mga larangan, nililikha ang isang katauhan ng metodolohiya o pamamaraan, isang identidad ng panukala (teoriya) o konsepto (diwa), na nagdurulot ng mas pinagsanib at mauunawaang mga resulta. Samantala, mas lumalaktaw sa mga gawi ng mga naunang may-ugnayang panlarangang pananaliksik ang transdisiplinaryo o nagpapalitang (nagsasanib na) mga larangan: sapagkat nagsasanib ang mga larangan o disiplina, kabilang ang pagkakaisa ng mga epistemolohiya, partikular na ang Panukala ng mga Agham Pantao o Teoriya ng Agham Pangtao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

CommentLuv badge