Kabayanihan
Monday, June 18th, 2012Tula ni Lope K. Santos Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod na walang paupa sa hirap at pagod; minsang sa anyaya, minsang kusang-loob, pag-ibig sa kapwa ang lagi mong diyos. Natatalastas mong sa iyong pananim iba ang aani’t iba ang kakain; datapwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw ang magpakasakit nang sa iba dahil.
