Literary Genre – Philippine Literature http://www.thephilippineliterature.com Your Ultimate Source of Past and Present Literary Filipino Works Mon, 27 Aug 2018 13:28:29 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=4.9.8 Walang Sugat ni Severino Reyes http://www.thephilippineliterature.com/walang-sugat-ni-severino-reyes/ http://www.thephilippineliterature.com/walang-sugat-ni-severino-reyes/#respond Mon, 14 Jul 2014 03:01:20 +0000 http://www.thephilippineliterature.com/?p=1017 WALANG SUGAT
(Ni Severino Reyes)

Walang Sugat-39-Mabuhay-LSalcedo-sf

Walang Sugat (Tanghalang Ateneo)
UNANG BAHAGI

I TAGPO
(Tanaggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika)

Koro : Ang karayom kung iduro
Ang daliri’y natitibo,
Kapag namali ng duro
Burda nama’y lumiliko

Julia : Anong dikit, anong inam
Ng panyong binuburdahan,
Tatlong letrang nag-agapay
Na kay Tenyong na pangalan.

Koro : Ang karayom kung itirik
tumutimo hanggang dibdib.

Julia : Piyesta niya’y kung sumipot
Pannyong ito’y iaabot,
Kalakip ang puso’t loob,
Ng kaniyang tunay na lingkod.

Si Tenyong ay mabibighani
Sa dikit ng pagkagawa
Mga kulay na sutla,
Asul, puti at pula.

Panyo’t dito ka sa dibdib,
Sabihin sa aking ibig
Na ako’y nagpapahatid
Isang matunog na halik.

Koro : Ang karayom kung iduro
Ang daliri’y natitibo.
Hoy tingnan ninyo si Julia
Pati panyo’y sinisinta,
Kapag panyo ng ibig
Tinatapos ng pilit
Nang huwag daw mapulaan
Ng binatang pagbibigyan:
Ang panyo pa’y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.

At ang magandang pag-ibig
Kapag namugad sa dibdib
Nalilimutan ang sakit
Tuwa ang gumugiit.

Mga irog natin naman
Sila’y pawang paghandugan
Mga panyong mainam
Iburda ang kanilang pangalan.

Julia : Piyesta niya’y kung sumipot
Panyong ito’y iaabot
Kalakip ang puso’t loob
Ng kaniyang tunay na lingkod.

Koro : Nang huwag daw mapulaan
Ng binatang pagbibigyan
Ang panyo pa’y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.

Salitain

Julia : Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y mangagsayaw na.

(Papasok ang magkasisikanta). (Lalabas si Tenyong).

II TAGPO

(Tenyong at Julia…)

Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo…
Julia : Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang pagkakayari, nakakahiya.
Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang?… ay…
Julia : Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.
Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na
Hubog kandila, na anaki’y nilalik na maputing garing,
Ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang.

Julia : Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.
Tenyong: (Nagtatampo) Ay!…
Julia : Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang mapagod.
Tenyong: Masakit sa iyo!
Julia : (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong…(sarili) Nalulunod pala ito sa isang tabong tubig!
Tenyong: Ay!

Julia : (Sarili) Anong lalim ng buntung hininga! (Biglang ihahagis ni Julia ang bastidor). (Sarili) Lalo ko pang pagagalitin.
Tenyong: Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo ako; Hindi na ako nagagalit…
Julia : Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!
Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko.

Julia : Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…
Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso, at F. ay Flores.
Julia : Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.
Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga?

Julia : Sa among! Iya’y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.

Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra’y A, N, at F?

Julia : Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F ay Frayle.

Tenyong: Among Nating Frayle, laking kaalipustaan! Huwag mo akong aglahiin nang tungkol sa mga taong iyan at madaling magpanting ang tainga ko.

Julia : Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang posporo at magkikiskis maraming butil at nag nag-aalab na magsasalita).

Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban, ay … sinungaling ako… mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban).

Musika No. 2

Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.

Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at di mapigilan.

Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo.

Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko.

Julia : Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.

Tenyong: Pag-iibigan ta’y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwi-tuwi…

Tenyong: Julia ko’y tuparin adhikain natin.

Julia : Tayo’y dumulog sa paa ng altar.

Tenyong: Asahan mo.

Sabay: Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari di na mamamatay sa piling mo oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay… (Lalabas si Juana).

III TAGPO

(Tenyong, Julia, at Juana mamaya’y Lukas)
Salitain

Juana : Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at si Tenyong)
(Lalabas si Lukas)

Lukas : Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…!

Tenyong: Napaano ka, Lukas?

Lukas : Dinakip pa ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.

Tenyong: Diyata dinakip si Tatang?

Lukas : Opo.

Tenyong: Saan kaya dinala?

Lukas : Sa Bulakan daw po dadalhin.

Tenyong: Tiya, ako po paparoon muna’t susundan si Tatang.

Juana : Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia, magtapis ka… (Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas).

Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib, ay tinutunungan kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutulad sa bango sa bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang lumilipas.

(Telong Maikli)
Kalye

IV TAGPO
(Musika)
Koro at Lukas

Lukas : Tayo na’t ating dalawin mga tagarito sa atin.

Koro : Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.

Isang Babae: Naubos na ang lalaki.

Lahat ng Babae: Lahat na’y hinuhuli mga babae kami.

Lukas : Marami pang lalaki.

Lahat ng Lalaki: Huwag malumbay…kami nasasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng bagay…

Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga babae’y pabayaan, di namin kayo kailangan.

Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.

Isang Lalaki: Kaka ko’y gayundin naman.

Isang Babae: Asawa’y paroroonan.

Isang Babae: Anak ko’y nang matingnan.

Lahat: Tayo na’t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila’y dalhin masarap na pagkain.

Mga Babae: Tayo na, tayo na.

Lahat: Sumakay na sa tren.

Mga Lalaki: Doon sa estasyon.

Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat)
(Itataas ang telong maikli)

V TAGPO

(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas).

Salitain

Relihiyoso1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao ito…

Marcelo: Mason po yata, among?

Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t kung siya sumulat maraming K, cabayo K.

Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!

Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.

Relihiyoso 2.0: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon.

Marcelo: Hindi sila makakain eh!

Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na dagdagan, ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang kailangan.

Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang magsidaing; isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!

Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilan kaban an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha!

Marcelo: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan, ngayon po’y lima ng kaban, at makalima po isang araw.

Relihiyoso 2.0: Samakatuwid ay limang bese 25, at makalimang 125, ay Huston 526 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa! (bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).

Marcelo: Salamat po, among!

Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay?

Marcelo: Wala po sana, datapwa’t nang mag-uumaga po ay pito lamang.

Relihiyoso1.0: Bakit ganoon? (gulat)

Marcelo: Dahil po, ay si Kapitan Inggo ay pingsaulan ng hininga.

Relihiyoso 1.0; Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Inggo.

Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos.

Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?

Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.

Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?

Marcelo: Opo, among
(Sa mga kasama niya) Companeros, habeis traido el dinero para el Gobernador?

Relihiyoso 2,3,4: Si, si, hemos traido.

Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.

Marcelo: Hindi po makalakad, eh!

Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.
Relihiyoso 2.0: Tonto.

Tadeo : Bakit ka mumurahin?

Juana : Kumusta po naman kayo, among?

P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap, noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami’y alipin ng mga prayle; ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawang pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.

Juana : Totoo po ba ang sabi mo.

P.Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga lklerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin.

Juana : Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga?

P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko.

Miguel: Ay! Aling Julia… ay… ma… ma… malapit na po…

Julia : Alin po ang malapit na?

Miguel: Ang… ang… ang…

Julia : (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Tadeo : Miguel, tayo na’t nagkayari na kami ng kaniyang ina.

Miguel: Ay… salamat (tuwang-tuwa.)

Julia : (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?

Tadeo : Ano ba ang sinabi mo?

Miguel : Sinabi ko pong … ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko!

Tadeo : Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo?

Miguel : Sinabi ko pong malapit na…

Tadeo : Malapit na ang alin?

Miguel : Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po nasagutan…

Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa mahalata…

Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo.
(Magsisilabas ang mga dalaw).

VI TAGPO

(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki).

Salitain

Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na angbtao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tulugan…

Putin : Salamat po, among.

Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin namin na pawalan, lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa naman sila.

Putin : Opo, among, mano na nga po… Salamat po, among.
(Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki).

Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador.. a Manila, cogemeros el tren la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal.

Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.

Los 3 : Si, si a fusilar, a fusilar.
(Papasok ang mga pare).

VIITAGPO

(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso)

Salitain

Putin : Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among?

Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag pong maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa ngang ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng mga ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamngmangan!
(Ipapasok si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid).

Putin : Inggo ko!

Tenyong: Tatang!

Julia : Kaawa-awa naman!

Tenyong: Mahabaging Langit!

Musika

Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali… Ah, kapag ka namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil.

Salitain

Tenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay…

Inggo : Huwag na … anak ko… hindi na maaari… luray luray na ang katawan… Tayo’y maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo!
Putin, ay Putin … Juana-Julia.. kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila… Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala.

Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito lamang ang pasok ng kantang “Ang dalawang braso’y…)

Musika No.2

Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan mo po’t igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle, isa sa kikitil.

Julia : Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin man yata lahat ng niyang laman, buto samapung taba, di makababayadsa utang na madla.

(Mga Babae at Lalaki)

Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig sa magpahirap.

Tenyong: Oo’t di matingnan puso ko’y sinusubhan sa ginawa kay Amang ng mga taong hunghan… ang awa’y nilimot sa kalupitan…

Lalaki’t Babae: Wari mukha nang bangkay…

Tenyong: Inang, masdan mo po… at masama ang lagay ni Tatang, Inang, tingnan mo’t naghihingalo… Tatang, Tatang…

Putin : Inggo ko… Inggo…

Tenyong: Patay na!

(Mangagsisihagulgol ng iyak)
Telong Maikli

VIII TAGPO

(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos).
Salitain

Putin : Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong katawan ko! Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi ako makahinga! Ang puso ko’y parang pinipitpit sa palihang bakal!
(Si Putin ay mapapahandusay).

Tenyong: Langit na mataas!
(Papasok lahat)

IX TAGPO
(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia).
Salitain

Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhi.

Isa : Ako’y mayroong iniingatan.

Isa pa : Ako ma’y mayroon din.

Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.

Isa : Nalalaman mo bang sila’y mangasisilulan?

Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy na sasabihin daw nila sa Heneral na tayo’y pagbabarilin na.

Isa : Mga tampalasan.

Isa pa : Walang patawad!
(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia).

Julia : Tenyong, Tenyong!

Tenyong: Julia!

Julia : Diyata’t matitiis, na Ina’y lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo? Di ba nalalaman mong sa kaniya’y walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may dandam niyang puso, ay walang lunas kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan?

Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba si Inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang sa paglingap mo sa akin? Sa bagay, na ito, ano ang ipag-aalaala ko?

Julia : Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis!

Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumutugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; ang Ina natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: “May anak ako,” anya, “ngayo’y kapanahunang ako’y ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang taong sinasangayad; hindi dapat tulutang… mga iaanak natin ay magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin.

Julia : Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang garantilyang may medalyita; tangnan at isusuot kay Tenyong ang garantilya.) Ang larawang ito’y aking isasabit sa tapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siya’y masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-sakaling irog ko’y masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo’y aking huhugasan ng masaganang luhang sa mata’y nunukal.

Tenyong: Sa Diyos nananalig.

Julia : Puso ko’y dinadalaw ng malaking hapis.

Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.

Julia : Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.

Tenyong: Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati.

Julia : Tenyong na poon ko’y kahimanawari. Magliwayway uli’t dilim ay mapawi.

Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako’t tutupad lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nnag hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikaw’y kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako!

Julia : Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di ikamatay.

Tenyong: Juliang aking sinta!

Julia : Oh, Tenyong ng buhay!

Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis).

Julia : (Biglang lilingon) Te…! Yumao na! (papasok)

X TAGPO

(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.)

Sa loob.

Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko – Perdon! Walang utang-na-di pinagbabayaran! (Hagara at mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa tren).

Telon

Wakas ng Unang Bahagi

Ikalawang Bahagi
I TAGPO
(Bahay ni Julia)
Julia at Juana
Salitain

Juana : Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang ama, sila’y pagpapakitaan nang mainam.

Julia : Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!

Juana : Bakit ba ganyan ang sagot mo?

Julia : Wala po!

Juana : Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasa, ano pa ang hangarin mo?

Julia : Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang hinahangad ko po ay…

Juana : Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko.

Julia : Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.

Juana : (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga- anong pusu-pusoang sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang dako, kapag may lalaking mangingibig, ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwa’t gayo’y iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon, ngayo’y kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy dito (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siya’y nagpapahingalay na…

Julia : Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo!

Juana : Siyang tunay!

Julia : Ako po’y makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil sa tapat na udyok ng aking puso.

Juana : Julia, tila wari… may kinalulugdan ka nang iba.

Julia : Wala po!

Juana : Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan mong sarili ang aking ninananais. Ang wika ko baga, ay bukas-makalawa’y mag-aasawa ka rin lamang… ay kung mapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na!

Julia : Sarili) Moro yata si Tenyong!

II TAGPO
(Julia at Monica)
Salitain

Julia : Monicaaaaaaaaaa, Maonicaaaaaaaaaa.

Monica: (Sa loob) Pooo!

Julia : Halika (Lalabas si Monica)
Pumaroon ka kay Lukas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka…

Monica: Opo (Papasok).

III TAGPO

(Julia, mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana)
Musika

Dalit ni Julia

Oh, Tenyong niyaring dibdib,
Diyata’ ako’y natiis
Na hindi mo na sinilip
Sa ganitong pagkahapis.

Ay! Magdumali ka’t daluhan,
Tubusin sa kapanganiban,
Huwag mo akong bayaang
Mapasa ibang kandungan.

Halika, tenyong, halika,
Atbaka di na abutin
Si Julia’yhumihinga pa…
Papanaw, walang pagsala!

At kung patay na abutin
Itong iyong nalimutan
Ang bangkay ay dalhin na lamang
Sa malapit na libingan.

Huling samo, oh Tenyong,
Kung iyo nang maibaon
Sa malungkot na pantiyon,
Dalawain minsan man isang taon.

Salitain

P. Teban: (Pumalakpak)Mabuti ang dalit mo Julia…datapwa’t na pakalumbay lamang…

Julia : (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y nangagsirating… Kahiya-hiya po.

P. Teban: Hindi. hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo?

Julia : Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Papasok).

P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa… Marunong kang pumili, Miguel.

Tadeo : Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam makiusap. (Lalabas si Juana).

Juana : Aba, narito pala ang among! Mano po, among!

P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay?

Juana : Mabuti po, among.

Tadeo : (Kay Miguel) Lapitan mo.

Miguel : Baka po ako murahin ah!

]]>
http://www.thephilippineliterature.com/walang-sugat-ni-severino-reyes/feed/ 0
The Story of the First Durian (The Hermit’s Three Wishes) http://www.thephilippineliterature.com/the-story-of-the-first-durian-the-hermits-three-wishes/ http://www.thephilippineliterature.com/the-story-of-the-first-durian-the-hermits-three-wishes/#respond Fri, 18 Nov 2011 18:06:34 +0000 http://www.thephilippineliterature.com/?p=490 Barom-Mai was an old and ugly king who lived in a kingdom called Calinan in the Visayas hundreds of years ago. Although he was powerful, he was helpless when it came to winning the love of his young bride, Madayaw-Bayho (daughter of Tageb, king of the pirates).

Barom-Mai asked his advisers to help him win his bride’s love, and Matigam (the wisest of advisers) told him about Impit Purok, a hermit who lived in a cave in Mt. Apo.

They went to the hermit and he asked for three things: the egg of the black tabon bird, twelve ladles of fresh milk from a white carabao without blemish, and the nectar from the flower of the tree-of-make-believe.
The egg will be used to soften the bride’s heart; the milk, to make her kind; and, the nectar, to make her see Barom-Mai as a young and handsome king.

The king finds the egg through the help of Pawikan, the king of the sea turtles. He luckily gets milk from a white carabao the following breakfast, thanks to his cook. Hangin-Bai, the nymph of the air, leads him to her sister, the wood nymph who had the magic flower in her hair.
Barom-Mai gives the three things to Impit Purok, who asked him to prepare a big feast after Barom-Mai wins his queen back, and to invite Impit Purok as the king’s guest of honor.

Impit Purok mixes the three ingredients and instructs Barom-Mai to plant the mixture in the royal garden. The morning after it was planted, a tree grew. It had a sweet smell and tasted good. When Madayaw-Bayho was given the fruit, she fell in love with Barom-Mai.

The king throws a big feast but forgets to invite Impit Purok. In retaliation, Impit casts a curse upon the fruit: The sweet smell was replaced with a foul odor while the smooth skin of the fruit was covered with thorns, which is how the durian smells and looks today.

]]>
http://www.thephilippineliterature.com/the-story-of-the-first-durian-the-hermits-three-wishes/feed/ 0
Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti http://www.thephilippineliterature.com/lalapindigowa-i-kung-bakit-maliit-ang-beywang-ng-putakti/ http://www.thephilippineliterature.com/lalapindigowa-i-kung-bakit-maliit-ang-beywang-ng-putakti/#respond Fri, 12 Nov 2010 09:59:01 +0000 http://www.thephilippineliterature.com/?p=441 Pabula ng Maranao
Batay sa pananaliksik ni Dr. Nagsura Madale

Si Lalapindigowa-i (isang putakti) ay isang masipag na magsasaka. May dalawa siyang asawa, sina Odang (hipon) at si Orak (itlog). Tulad ng ibang Maranao, hindi lamang siya masipag na magsasaka kundi isang tapat na asawa. Nagsusumikap siyang magtrabaho upang mapakain ang dalawa niyang asawa.

Isang araw, nagwika siya sa mga asawa niya na dalhan siya ng pananghalian sa bukid nang sa ganoon ay di masayang ang kanyang oras sa pag-uwi. Nagkasundo at nagpasya ang dalawa niyang asawa na mula noon ay dadalhan siya ng pagkain sa bukid.

Pagkaraan ng maraming araw at buwan ng paghahatid ng pagkain, nagsawa ang mga asawa ni Lalapindigwa-i. Sa daan papuntang bukid, nagalit si Odang at tumangging magdala ng pagkain. Si Orak ay ayaw ring maghatid ng pagkain. Nagalit si Odang, ang hipon, at nagsimula itong magdadamba hanggang ito’y mahulog sa kaserola at naging pula ang balat. Naawa si Orak kay Odang dahil ito ay naluto kaya’t ipinaghele niya ito. Sa di sinasadya, tumama siya sa bunganga ng kaserola at ito’y naluto rin.

Samantala, si Lalapindigowa-i ay ginutom sa kahihintay sa kanyang dalawang asawa. Pagkaraan ng ilang oras ng paghihitay, nagpasya siyang lumakad pauwi. Sa daan nakita ng gutom na si Lalapindigowa-i ang basag na kaserola at ang mga asawa niyang naluto.

Galit siya sa mga asawang tamad at sa kaparusahang tinanggap ng mga ito.Gutum na gutom na siya kaya hinigpitan niya ang kanyang sinturon. Simula noon, ang beywang ni Lalapindigowa-i ay lumiit nang lumiit dahil batid niyang wala nang mga asawang magluluto para sa kanya.

]]>
http://www.thephilippineliterature.com/lalapindigowa-i-kung-bakit-maliit-ang-beywang-ng-putakti/feed/ 0
ANG UNANG HARI NG BEMBARAN http://www.thephilippineliterature.com/ang-unang-hari-ng-bembaran/ http://www.thephilippineliterature.com/ang-unang-hari-ng-bembaran/#respond Fri, 22 Oct 2010 02:12:25 +0000 http://www.thephilippineliterature.com/?p=423 (Alamat ng Maguindanao)
Salin ni Venacio L. Mendiola ng “The First Ruler of Bembaran”

ni Bolawan Manalisig/Lawa Cali

Noong unang araw, kakaunti ang mga tao sa mundo at marami sa kanila ang mangmang at walang tao sa kanilang gawain at bagamat di pa umuunlad ang lugar na ito ay masasabing maganda na. Sa buong Bembaran, kulang lamang na 20 pamilya ang nasasakop ng Ayonan, si Diwantandaw Gibon.

At sapagkat malapit sa dagat ang Bembaran ang mga alon ay sumasalpok sa gitna nito. Nababatid ng mga tao na walang kasingganda ang kanilang pook. Batid nilang ligtas sila sa kanilang mga kaaway pahintulot buhat sa kinatatakutang tagapayong ispiritwal, si Pinatolo i kilid, ang kakambal na isipiritu ni Diwatandaw Gibon, ang unang hari ng Iliyan at Bembaran. Walang palagiang anyo ang ispiritung ito. Sa dagat, ito ay buwaya; sa lupa ito ay isang tarabosaw* at sa himpapawid, ito ay isang garuda.

Isang araw ang mga tao sa Torogan ay nabahala sapagkat napansin nila na malungkot ang Ayonan. Inanyayahan ni Mabowaya Kaladanan, isa sa mga nakatatanda, na magpunta s torongan upang tulungan ang Ayonan sa kanyang suliranin. Nang ang lahat ay naroroon na, nagtanong si Dinaradiya Rogong, isang iginagalang na pinuno, sa kapulungan kung may nakakaalam sa lugar, na kasingganda at kasingyaman ng Bembaran, na kung saan may nakatirang prinsesa na maaaring mapangasawa ni Diwatandaw Gibon. Ang lahat
ay nag-isip sumandali ngunit walang makapagsabi ng ganoong lugar. Tumayo si Dinaradiya Rogong at iginala ang kanyang paningin sa mga taong nangakakatipon upang alamin kung ang lahat ng tao roon ay dumalo. Pagkatapos ay namataan niya ang isang mangingisdang
nakaupong malapit sa pinto at malayo sa karamihan. Tinawag niya ito at tinanong “Samar, sa lahat ng iyong pangingisda sa iba,t ibang lugar, nakarating ka na ba sa isang lugar na kasingganda ng Bembaran, na may isang magandang prinsesa na maipapantay sa ating Ayonan?”

Ngumiti ang mangingisda at nagsalita: “Opo, dato, alam ko ang ganyang lugar at ito’y di maihahambing sa ganda sa anumang bagay rito. Ito’y tinatawag na Minango’aw at
ang pangalan ng hari ay Minangondaya a Linog. Ang hari ay may isang anak na babae na pinangalanang aya Paganay Ba’i, ang pinakamagandang babae sa pook.”
Nang marinig ng mga tao ang sinabi ng Samar, napagusap–usapan sila. Marami
ang naniniwala sa kanyang sinabi sapagkat siya’y isang mangingisda at maaaring nakita
niya ang lugar. Ngunit nagalit si Dinaraduya Ragong sapagkat siya’y marami ring nalakbay
at kailan man sa kanyang paglalakbay ay hindi siya nakatagpo o nakarinig ng tungkol dito.
Naisip niyang nagbibiro ang Samar o niloloko sila kaya’t nagbabala siya: “Mag-ingat ka sa
iyong sinasabi. Nakapaglakbay ako sa maraming lugar at kalian ma’y di ko narinig ang
ganyang lugar. Mabuti pa’y magsabi ka ng totoo ‘pagkat hahanapin naming ang lugar na ito,
at parurusahan ka naming kapag hindi naming natagpuan ito.”
Tiningnan ng Samar ang datu at nakita niyang namumula sa galit ang mukha nito.
Lumundag siyang palabas sa torogan. Nagpunta ang ibang pinuno sa Dinariya a Rogong at
hinikayat siyang hanapin ang Minago’aw a Rogong. Nang sumunod na araw, naghanda sila
sa kanilang paglalakbay at nanguha at naghanda ng pagkain at ilang pangangailangan.
Nang handa na ang lahat, umalis ang pangkat ngunit sa halip na maglayag sa karagatan,
sila’y naglakbay sa dalampasigan at nagtatanong sa mga tao kung saan nila matatagpuan
ang Minago’aw. Ngunit wala kahit sinuman ang nakarining sa ganoon lugar.

*tarabosaw – isang higanteng kumakain ng tao at hayop
garuda – agila

Pagkatapos ng isang buwan paglalayag, nakakita sila, isang madaling araw, ng
dalawang mangingisdang nag-aaway. Nang halos magpang-abot na ang dalawa,
nangagsidating ang mga lalaki sa Bembaran at sumigaw si Diwatandaw Gibon, “Hinto!
Kung kayo’y maglalaban, masasaktan kayo o mamamatay at magdurusa anuman ang
mangyari. Isipan ninyo ang inyong mga pamilya!” Huminto sa pag-aaway ang dalawa at
tinanong ng hari kung saan sila nakatira. Sumagot ang isa sa kanila, “Dato, ako’y taga-
Minango ‘aw.” Nang marinig nila ito, nagalak ang pangkat sapagkat natapos na ang
kanilang paghahanap.

Inutusan ng Ayonan ang mga mangingisda na lumipat sa kanilang bangka upang
patnubayan sila sa pagpunta sa kanyang lugar. Sa paglalakbay pinagtatanong nila ang
mangingisda na kanya naming sinagot sa kanilang kasiyahan. Noong papalapit na sila sa
bukana ng look, nakiusap ang mangingisda na magpauna sa kanila sa kanyang sariling
bangka upang ipagbigay-alam sa kanyang hari ang kanilang pagdating at ibalita sa kanya na
sila’y mga kaibigan, at hindi mga pirata. Pagkalunsad nito, dali-dali siyang nagtuloy sa
torogan ibinalita sa Ayonan ang tungkol sa mga panauhin. Tinipon ng hari ang kanyang
mga nasasakupan at napagkasunduan nilang salubungin ang mga panauhin sa
dalampasigan.

Naghanda ng isang malaking piging ang hari ng Minango’aw para sa kanyang mga
panauhin. Nag-handa ang mga babae ng masasarap na pagkain. Pagkakain nag mga
panauhin ay inaliw nila sa pamamagitan ng sayaw kolintang, sagayan at ang lahat ng uri ng
paligsahan sa pag-wait o sak’ba. Nang matapos na ang lahat ng uri ng palaro, tumayo at
nangusap ang tagapag-salita ng hari at tinanong ang mga panauhin kung bakit sila
nakarating sa Minango’aw. Ang kinatawan ng Diwatandaw Gibon ay tumayo. Sinabi niya
na dinala nila ang kanilang batang hari at magalang na ipinakilala. Pagkatapos ay nalaman
ng mga tao na ang sadya ng mga panauhin ay upang pakasalan ng Ayonan ang kanilang
prinsesa.

Tinanggap ang handog at ang paghahanda ay nagsimula. Napakasaya ni
Diwatandaw at ang kasal ay ginanap sa gitna ng kasayahan at labis na pagpipiyesta.

Namalagi si Diwatandaw Gibon sa Minango’aw ng limang taon at sa panahong ito’y
nanganak ng dalawang lalaki ang kanyang kabiyak. Hinandugan siya ng kanyang biyenan
ng korona nito at kapangyarihan. Sa buong panahong naturan, hindi niya dinalaw ang
Bembaran at nagyon siya’y puno ng malakas na pag-asam at pananabik na makabalik sa
kanyang lupain. Nilapitan niya ang kanyang biyenan at nagsabi: “Aking biyenan, kung
pahihintulutan ninyo, nais kong makabalik sa Bembaran. Ibig kong makita kahit ang damo
ng pook na aking sinilangan.”

Tumango si Minangondaya Linog. “Tama ka. Humayo k.” Pagkatapos ay
tinawagan niya ang kanyang dalawang apo, inakbayan ang bawat isa at sinabi sa
nakatatanda: “Ikaw ay si Tominaman sa Rogong. Balang araw pupunta ka sa Bembaran,
ang lugar ng iyong ama. Katungkulan mong paunlarin ang lugar at pasayahin ang mga tao
ng Bembaran.” Bumaling sa nakababata at sinabi: “Ikaw ay si Mangondaya Boyisan.
Bilang bunso dapat mong tulungan ang iyong kapatid sa pagpapaunlad ng Bembaran at
Minango’aw. Humanda ka sa pagtulong at pagtatanggol sa mga tao sa dalawang lugar na
ito.”

Pagkatapos ay binigyan ng hari ang dalawa niyang apo ng sumusunod na pamanang
gamit: isang mahiwagang bangka, ang Riramentaw Mapalaw, na lalong kilala bilang
Rinayong , na nakapaglalayag sa dagat na hindi na kailangan ang sagwan sapagkat ispiritu
ang nagpapadpad dito. Binigyan rin niya ang mga apo ng isang agong na pinangalang
Magandiya a Oray. Ito’y minana pa niya sa kanyang lolo, isang ginintuang agong na kung
pinapalo ay maririnig sa lahat ng lugar ang tunog at kagyat na matatawag ang lahat ng tao;
at dalawa pang agong: Rogongan a Posaka at Momongara Dayiring.

Tinawag niya ang kanyang anak na si Prinsesa Aya Paganay Ba’i. Nang lumapit ang
prinsesa at maiharap sa kanya ama, sinabi ng ama sa anak na maaari siyang magtungo sa
Bembaran kasama ng asawa at mga anak. Pagkatapos ay kanyang pinayuhan ang anak.
“Anak ko, ang iyong unang katungkulan ay sundin ang iyong asawa at pangalagaan ang kanyang kalusugan kapakanan. Mahalin mo siya at alaming kapwa kayo mabuhay
nagkakasundo. Buhayin at mahalin mo ang inyong pamilya at tingnan mo na sila’y nasa
mabuting kalusugan.

“Ipaglaban mo ang iyong karapatan at ang karapatan ng iyong hari. Humanda kang
ipagtanggol ang iyong dalawang bansa ng Bembaran at Minango’aw. Igalang mo ang mga
matatanda at bata. Mahalin mo ang mahihirap at ang mga ulila. Bigyan mo ng pagkakataon
ang bawat isa na magtagumapy sa buhay. Maging matapat ka sa lahat.

“Kung dumating ang mga panauhin, tanggapin mo silang pantay-pantay kahit na sila
ay maharlika pa alipin. Turuan mo ng mabubuting bagay ang iyong mga anak. Lagi mong
tupdin ang anumang pangako. Maging mabuti kang maybahay at panatilihing mong malinis
ang iyong bahay, sa loob at labas, sa ibaba at itaas, pati ang bakuran.

Tinapos ng Ayonan ang kanyang pangaral at hinati ang kanyang ari-arian sa dalawa.
Kalahati ang ibinigay niya sa anak niyang prinsesa sa kanyang pag-alis. Dinala ni
Diwatandaw Gibon ang kanyang mag-anak at ang lahat ng kayamanan ibinigay sa kanila ng
kanyang biyenan. Sakay ng Rinayong, siya ay naglalakbay kasama ng kanyang mag-anak.

Nang malapit na sila sa bayang sinilangan, inutos ni Diwatandaw Gibon na patunugin
ang mga agong sa buong lupain upang ibalita ang kanyang pagdating. Nagtakbuhan ang
mga taga-Bembaran at inilabas ang lahat ng kanilang mga bandera at magagandang mga
palamuti at iniladlad ang mga ito. Ang mga bandera at palamuti ay masayang dinapyuan ng
amihan at ang lahat ng bahay sa daanan at nagpatugtog ng kolintang. Ginayakan ang isang
tanging silya at dinala sa dalampasigan samantalang sa torogan ay may itinanghal na mga
pamanang ari-arian na yari sa tanso, pilak at ginto.
Sa pagadaong ng bangka, nagpaputok ng kanyon upang salubungin si Diwatandaw
Gibon at ang kanyang mag-anak. Pumila ang lahat ng tao sa dalampasign at sila’y
masayang sumalubong sa Ayonan at sa kanyang magandang asawa at mga anak. Dinala
nila ang silyang pinalamutian nang magandang tangkongan – para upuan ni Aya Paganay
Ba’i at binuhat siyang buong ringal at kamaharlikahan papunta sa torongan.

Tatlong taon ang matuling lumipas sa Bembaran. Isang araw, habang ang Ayonan
at ang kanyang asawa ay nakaupo sa lamia* namasdan ni Diwatandaw Gibon n kakaunti
ang mga batang nagsisipaglaro sa bakuran. Naisip niya, na kaawa-awa na ang isang
maganda at mayamang lugar tulad ng Bembaran ay may kakaunting tao lamang na
magtatamasa nito? Tinanong niya ang asawa. “Ano ang palagay mo sa kaisipang ito?
Papayagan mo ba akong mag-asawa ng marami pang mga babae upang madagdagan ang
populasyon ng Bembaran? Narining ko na maraming mabubuting mga babae sa
Lombayo’an a Lena, Kodaranyan a Lena, Bagombayan Miyaraday dali’an at sa Minisalaw
Ganding.”

Nagulat ang prinsesa. Nasabi niya sa sarili na kung nalaman lamang niya na
binabalak niyang gawin ito, disin sana’’y hindi siya pumayag na magtungo sa Bembaran.
Malakas niyang sinabi, “Mahal kong asawa, napakahirap kong tanggapin ang balak mo.
Kung maririnig ng mag-anak ko ang ang iyong kagustuhan na mag-aasawa ng mga ibang
babae, makakagalitan nila ako at sisisihin tungkol dito. Sa palagay ko’y magiging mabuti
para sa iyo na ako’y diborsyuhin mo upang malaya mong mapangasawa gaano man
karaming babae ang gusto mo. Babalik ako sa Minango’aw sa sandaling payagan mo ako.”

Niyakap ni Diwatandaw Gibon ang asawa at sinabi sa kanya, “Huwag ka nang mag-
alala. Nagbibiro lamang ako.” Pinangako niya ang asawa at ipinaghele sa kanyang braso.
Umawit siya ng “pinakamamahal kong kabiyak, huwag kang magalit sa akin sa pagkabitiw ko ng mga salitang nagbigay pasakit sa iyong kalooban. Alam ko na nagpalungkot ito sa
iyo, ngunit katungkulan ko bilang isang namumuno na magbalak at mag-aral at mag-isip
tungkol sa ikauunlad ng kanyang kaharian. Ang mag-isip, ang magbalak kumilos – ito ang
mahalagang katungkulan ng isang namumuno maging lalaki o babae. Dapat niyang pag-
aralan ang lahat ng bagay upang matuklasan kung alin ang totoo, alin ang mali at alin ang
biro lamang.” Nakinig siya sa kanyang mahinang awit at pinakiusapan niyang ibaba siya sa
malaking panggaw.*

Tinawag ng prinsesa ang kanyang asawa sa kanyang tabi at winika sa kanyang
asawa, pag-uusapan pa natin ang iyong balak. Sa palagay ko ay tama ka. Dapat ngang
magkaroon ng maraming nasasakupan ang Bembaran. Makinig ka, kung kulangin ang
iyong ari-arian sa paghahanda sa kasal sa lahat ng mga babaeng yaon, sabihin m osa akin
upang makakuha pa ako ng ilang ari-arian ko sa Minango’aw.”

Nang sumunod na araw tinipon ni Diwatandaw Gibon ang lahat ng tao ng Bembaran
at ipinahayag ang kanyang mga balak. Ang mahiwagang bangkang Rinamentaw ay
inihanda at pagkatapos matipon ang lahat ng kailangan, sinimahan ng piling tauhan si
Diwatandaw Gibon sa panliligaw. Una silang nagpunta sa

Kodarangan a Lena para kay Walayin Dinimbangew, sa Bagombayan a Lena para kay
Walayin Pitagaman, sa Songgaringa a dinar para kay Walayin si Remotak at sa Minisalaw
Ganding para kay Walayin Mangobabaw.

Kasama ang kanyang mga bagong asawa, bumalik si Diwatandaw Gibon sa
Bembaran at sa sandaling marating niya ang Baroraw a Lena’an ang lugar ni Pamanay
Masalayon, sa pagitan ng Bembaran at Kadera’an, inutos niyang patunugin ang mga agong
upang malaman ng lahat ang kanilang pagdating at makapaghanda sa pagsalubong sa
kanya at sa kanyang mga bagong asawa.

——————————————
* lamia – ang tore ng prinsesa
panggaw – kama

Nang marinig ni Aya Paganay Ba’i ang agong siya’y di mapalagay at malungkot
sapagkat alam niya ang kahulugan nito. Pinawisan mabuti ang kanyang mukha. Ngunit
naalala niya ang itinuro sa kanya ng kanyang magulang at gaya ng isang tunay na
mahinhing babae, tumindig siya at tinawag ang lahat ng mga kababaihan at mga alipin.
Inutusan ang bawat isa na maglinis at gayakan ang torogan at ang lahat ng kapaigiran nito.
Naghanda siya ng limang malalaking silid tulugan, pinalamutian ang mga ito, at hinintay niya
ang pagdating ng asawa.

Dumating ang Ayonan at magiliw na binati ang kanyang asawa at ipinakilala ang
mga bagong asawa sa kanya. Binati niya sila nang magiliw at sinalubong sila sa Bembaran.
Kaya ang hari at ang kanyang mga asawa ay nabuhay nang magkakasundo sa maraming
taon. Buhat sa kanyang limang asawa, nagkaroon ng maraming anak si Diwatandaw Gibon,
na pawang babae. Sila’y sina Mabolawan Pisigi ng Kadorangan a Lena; Walayin
Dirimbangen o Mapatelama Olan ng Lambayo’an a Lena; Garugay a Rawatan ni
Bagombayan a Lena; Romentak a Bolawan ng Sanggiringa a Dinar at Mapagalong an sirig
ng Minisalaw Ganding.

Pagkatapos mabuhay ng maligaya ng labinlimang taon, tinipon ni Diwatandaw Gibon
ang kanyang malaking pamilya isang araw at nagsimula siyang magbigay ng kanyang huling
testamento. Nakaupo sa kanyang silya, nag-atas siya sa kanila. Sinabi niya sa kanyang
mga asawa na kung ayaw nilang magbalik sa kanilang tahanan pagkamatay niya, manatili
sila sa Bembaran at pantay-pantay sila ayon sa kapangyarihan ng aya Paganay Ba’i.
Inamuki niya ang kanyang dalawang anak na lalaki na magpakabuti sapagkat pagkamatay niya, sila ang papalit sa kanya. Binalangkas niya para sa kanila ang pagiging mabuting
pinuno.

“Kung makarinig kayo na anumang alitan sa inyong nasasakupan,” simula niya,
“dapat ninyo itong ayusin sapagkat katungkulan ninyo ito, anyayahan man kayo o hindi na
ayusin ito. Huwag kayong kakampi sa anumang panig upang ang inyong pagpapasya ay
maging karapt-dapat. Kung may utang na babayaran at ang isang panig ay kulang sa
salapi, ibigay ito buhat sa sarili ninyong salapi.

“Mayroon kayong limang kapatid na babae. Pagsapit ng panahon na sila ay dapat
mag-asawa isangguni ang tungkol dito sa inyong kamag-anak, sa panig ko at sa panig ng
inyong ina. Huwag kayong makikialam, kahit anuman ang mangyari hanggat nagkakasundo
ang dalawang panig sapagkat alam nila na kayong dalawa ang huli nilang daraingan at
hihingan ng kapasyahan.”

“Lagi ninyong ipagtanggol ang mga karapatan ng inyong mga nasasakupan sa
Bembaran at Minango’aw. Kayo ang kanilang tagapagtanggol at may karapatan silang
asahan ito sa inyo sapagkat kayo’y aking mga anak.”

“Kung may sinumang magsalita laban sa inyo, kahit sino man sila, maging dugong
bughaw, mga karaniwang mamamayan, matanda o bata, dayuhan o katutubo, lalaki o
babae, huwag kayong sasagot kaagad. Isipin munang mabuti ang bagay-bagay. Kung ito’y
gagawin ninyo, hindi kayo magkakamali. Maging mapagpatawad kayo at matiyaga. Gayon
man, kung ang pag-insulto ay inulit pa, hamunin ang tao at ipagtanggol ang inyong
karangalan hanggang kamatayan.”

Ang pamana ko lamang sa inyo ay ang mahahalagang manang-ari at iba pang ari-
arian. Alagaan ninyo ang mga ito, lalung-lalo na ang torogan, ang tore, ang bangkang
Rinamentaw, ang tatlong agong, Magindaya a Oray, Rogongan at Momongano Dayiring.”

Pagkatapos mawika ang mga ito, namatay si Diwatandaw Gibon. Namahala sa lahat si Aya Paganay Ba’i. Inutos niya na palamutian ang torogan at pinatugtog sa mga tao ang lahat ng mga agong. Iniutos niyang isabit ang lahat ng bandera sa paligid ng torogan at sa harap ng bakuran nito. Nagtayo ang mga tao ng osonan upang ipahiwatig sa lahat ng kalapit na upang dumalo sa libing ng patay na hari at pinagsabihan rin ang lahat ng kamag-anak ng kanyang limang asawa.

Pagkalibing sa Ayonan, ipinaayos ang kasal ng kanyang anak na lalaking si Tominamansa Rogong kay Prinsesa Lalawanan ng Jolo. Pagkatapos ng kasalan, namuno si Tominaw sa Rogon sa Bembaran na sinusundan ang bakas ng kanyang ama, ang matalinong Haring Diwatandaw Gibon, ang unang hari ng Iliyan a Bembaran.

]]>
http://www.thephilippineliterature.com/ang-unang-hari-ng-bembaran/feed/ 0
Ibanag: WHY THERE IS HIGH TIDE DURING FULL MOON http://www.thephilippineliterature.com/ibanag-why-there-is-high-tide-during-full-moon/ http://www.thephilippineliterature.com/ibanag-why-there-is-high-tide-during-full-moon/#respond Sun, 11 Jul 2010 15:12:09 +0000 http://www.thephilippineliterature.com/?p=353 Long, long ago only gods lived in this world. The earth, the sea, and the sky were ruled by three different powerful gods.

The sun god who ruled the sky had a very beautiful daughter, Luna, the moon. Luna enjoyed going around the heavens in her golden chariot. One day she found herself taking another path which led her outside her kingdom. She wandered on until she reached the place where the sky met the sea. Beautiful and unusual sights greeted her eyes. As she was admiring the beautiful things around, a voice startled her. It asked, Where has thou come from, most beautiful one?”

Turning around she saw a young man who looked much like her father though fairer. She wanted to run away but when she looked at him again, she saw that he was smiling at her. Taking courage she answered, I am Luna, daughter of the sun god.”

The young man smiled at her and answered, “I am Mar, the son of the sea god. Welcome to our kingdom.” Soon the two became good friends. They had many interesting stories to tell each other. When it was time for Luna to go, they promised to see each other as often as they could for they had many more tales to tell. They continued meeting at the same spot until they realized that they were in love with each other.

One day after one of their secret meetings, Luna went back to the heavens full of joy. She was so happy that she told her secret to one of ha cousins. The cousin, jealous of her beauty and her happiness, reported the affair to the sun god. The sun god was angered at his daughter’s disobedience to the Immortal Laws. He shut her in their garden and did not allow her to get out. Then he sent a messenger to the sea god informing hi n that his son Mar has disobeyed the Immortal Laws. The sea god, when was also angered by his son’s disobedience, imprisoned him in one of his sea caves.

Luna stayed in the garden for sometime. She was very sad at not being able to see Mar. She longed to be with him again. Feeling very restless one day, she escaped from the garden. She took her golden chariot and rushed to their meeting place. Mar, who was imprisoned in the sea cave, saw her reflection on the water. He wanted to get out to meet her. He tried hard to get out of the cave, but he could not. He struggled so hard that he shook the walls of his cave causing unrest in the sea. Luna waited for Mar to appear, but he did not come. Then she went back home very sad. Each time she remembered Mar she would rush out in her golden chariot to the meeting place in the hope of seeing him again.

The fishermen out in the sea believe that each time Luna, the moon, appears, the sea gets troubled. “It is Mar trying to escape from his cave,” they say.

Cagayan Public School Teachers, eds, The Cagayan Series, Folktales, Volume III W 22t24; in Edna Bangan’s Ibanag Folk Literature” (MA Thesis, U.P., 1976) pp. 268-69.

]]>
http://www.thephilippineliterature.com/ibanag-why-there-is-high-tide-during-full-moon/feed/ 0
Panyaga (Tanghalian) http://www.thephilippineliterature.com/panyaga-tanghalian/ http://www.thephilippineliterature.com/panyaga-tanghalian/#respond Tue, 08 Dec 2009 12:09:44 +0000 http://www.thephilippineliterature.com/?p=195 bugas

ni Bryan Mari Argos

Mabuhinan na ang akon tinig-ang
Bisan ang talagbasan.
Ang sud-an nga duha ka pantat
Mangin isa na lamang bisan
Naga-surong sang semilya
Ang aton pantatan.

Ano abi, kay tuyo mo nga paawason
Ang aton talagbasan, kag ang pantatan
Himuon nga bangrusan,
Gani, ginpili mo nga manyaga
Sa malayo nga lamesa, kun sa diin
Ang tinig-ang ko,
Ang sud-an,
Madimdiman na lang
Sa paghanduraw.

Pananghalian
(sinalin ng may-akda)

Mababawasan na ang aking sinaing
Kahit puno ang bigasan.
Ang ulam na dalawang pantat
Magiging isa na lang kahit
Puno ng semilya
Ang ating pantatan.

Pano kasi at ibig mong paapawin
Ang ating bigasan, at ang pantatan
Gawing bangusan,
Kaya, pinili mo na mananghalian
Sa malayong mesa, kung saan
Ang sinaing ko,
Ang ulam,
Matitikman na lang
Sa alaala.

]]>
http://www.thephilippineliterature.com/panyaga-tanghalian/feed/ 0