Archive for the 'Jose Corazon De Jesus' Category

Manggagawa

Tuesday, September 14th, 2010

ni Corazon de Jesus Bawat palo ng martilyo sa bakal mong pinapanday Alipatong nagtilamsik, alitaptap sa karimlan Mga apoy ng pawis mong sa balak ay kumikinang, Tandang ikaw ang may gawa nitong buong Santinakpan.

Ang Dalagang Pilipina

Wednesday, July 7th, 2010

by Jose Corazon de Jesus Ang dalagang Pilipina, parang tala sa umaga Kung tanawin ay nakaliligaya May ningning na tangi at dakilang ganda Maging sa ugali, maging kumilos mayumi, mahinhin, mabini ang lahat ng ayos Malinis ang puso maging sa pag-irog

BAYAN KO

Monday, November 23rd, 2009

by José Corazón de Jesús (set to music by Constancio de Guzman) Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang palad Nag-alay ng ganda’t dilag. At sa kanyang yumi at ganda Dayuhan ay nahalina Bayan ko, binihag ka Nasadlak sa dusa. Ibon mang may layang lumipad kulungin mo at umiiyak Bayan [...]