Archive for October, 2010

Ang Pinagmulan ng Kodla ng mga Ifugao

Thursday, October 28th, 2010

Salin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo ng “The Origin of the Ifugao Kodla” Noong unang panahon ay may mag-asawang naninirahan sa Lamut na nangngangalang Cabigat at Bugan. Sila ay masasaya dahil marami silang nakukuhang pagkain at mga hayop. Isang araw lumabas si Cabigat upang mamasyal na karaniwag isinasagawa sa mga kalapit na nayon. [...]

Ang Masamang Kalahi

Tuesday, October 26th, 2010

Buhat nang mapatakbo ni Toniong Tandang si Tenoriong Talisain ay humanap na ng ibang libutan at madaling nakapamayagpag na muli ang Talisain. Ang mga Katyaw na leghorn doon ay madaling nasilaw sa balitang bilis at lakas ni Tenoriong Talisain. At madali niyang naging kaibigan ang pinakamagandang sa mga banyagang manok na si Lolitang Leghorn.

Ang Mag-anak na Langgam

Sunday, October 24th, 2010

Malapit-lapit na naman ang tag-ulan kung kaya’t ang isang mag-anak na langgam ay abalang-abala sa paghahakot ng pagkain para sa kanilang pinagtataguan. “Huwag kayong lilihis ng landas patungo sa ating lungga, dahil sa may gawing kaliwa ay may munting kanal,” sabi ni Tatay Langgam.

ANG UNANG HARI NG BEMBARAN

Friday, October 22nd, 2010

(Alamat ng Maguindanao) Salin ni Venacio L. Mendiola ng “The First Ruler of Bembaran” ni Bolawan Manalisig/Lawa Cali Noong unang araw, kakaunti ang mga tao sa mundo at marami sa kanila ang mangmang at walang tao sa kanilang gawain at bagamat di pa umuunlad ang lugar na ito ay masasabing maganda na. Sa buong Bembaran, [...]

Ang Alamat ng Bundok Pinto

Monday, October 18th, 2010

(Bahagi ng « The Legend of Mount Pinto” ng Maguindanao) Mula sa “The Legends” by Damiana L. Eugenio Labis na nakamamangha at napakahiwaga ang tungkol sa yungib. Ito ay pinanirahan ng mga supernatural na nilikha tulad ng mga diwata at reyna na pinaniniwalaang lumitaw nuong unang panahon. Sila ang pinaniniwalaang magagandang nilikha ng diyos na [...]

Ang Alamat ng Basey

Monday, October 18th, 2010

(Bahagi ng The Beautiful Bungangsakit) Salin ni Reynaldo S. Reyes Mula sa”The Legend” by Damiana L. Eugenio, UP Press Dahil sa ipinakitang kalupitan ng mga tulisang-dagat, ang mga naninirahan sa Balud, sa pangunguna ng mga misyonerong Heswita ay nagtungo sa Binongtoan, isa sa kalapit na nayon. Doon ay nagsimula silang bumuo ng panibagong nayon at [...]

ANG ALAMAT NG PALENDAG

Sunday, October 17th, 2010

(Kwento/Magindanaw) Salin ni Elvira B. Estravo ng “The Legend of Palendag” Ang palendag ay isang instrumentong pang-musika ng mga Magindanaw. Ito’y galing sa salitang Magindanaw na lendag, na nangangahulugang “paghikbi.”